Buti pa sa Amerika, nagpa-plano na sila kung paano, kanino at kailan ibibigay ang vaccine laban sa swine flu, kahit wala pang dumarating. Sa atin, wala nang balita mula sa Department of Health (DOH) tungkol sa swine flu, maliban sa panaka-nakang pag-amin ng mga DOH officials na naka-base sa probinsya na sila din, mayroon nang swine flu.
Ang huli kong balita (mga dalawang linggo na ang nakalilipas), isasama na lang ang bilang ng mga nagkakasakit ng swine flu sa mga tinatamaan ng ordinary flu. Kung kailan dumarami ang nagkakasakit at namamatay sa swine flu, saka naging mas lalong mahirap kumuha ng datos ang taong bayan.
Filed under: blogging, diseases, health, news, opinion | Tagged: philippines: swine flu, swine flu
