What is it like when Evil rules the land?

The following is a short story that attempts to answer that question.
D Bampyr Chronicles. O…ang Kwento ng mga Tao sa Bayang Walang Hope

D Bampyr Chronicles. O…ang Kwento ng mga Tao sa Bayang Walang Hope.

Walang Hope sa bayan ko. Ewan kung bakit; basta kahit saan kami maghanap, wala kaming makitang Hope. Hindi bawal mag-Hope…pero walang nagbebenta, at hindi kami gumagawa.
Kaya kung gusto mo ng menthol, magtiyaga ka sa Phillip. O Marlboro menthol lights. Kahit Dunhill frost, meron. Hope, wala.
Wala sa tindahan…pero kaming mga rebelde, merong Hope. Galing sa kung saan, pasa-pasa. Dito sa Sta. Filomena, Hope ang tatak ng mga rebelde.

– James, isang rebelde

Dalawa ang mukha ng buhay sa Sta. Filomena. Sa umaga, makikita mo ang mga mahihirap, scurrying like ants looking for food. Kung saan-saan, paroo’t parito, kahit na anong trabaho, ginagawa para lang kumita. Karaniwang kayumanggi ang mga mahihirap, sunog sa araw, matigas ang katawan, batak ang buto, amoy pawis. Bihira sa kanila ang nakangiti: masyadong maraming problema ang buhay para tumawa.
Sa gabi, makikita mo ang mayayaman – the movers and shakers of society – na naglalabasan. Maputi, mala-marmol ang kutis, magarbong magdamit, mayabang maglakad, parang hawak nila ang mundo. Mapusyaw ang mga mukha, mapula ang mga labi, walang laman ang mga mata. Hayok sa dugo, walang kaluluwa.
Totoong walang kaluluwa.
Dahil sa Sta. Filomena, ang dalawang mukha ng buhay ay ang mga buhay, at di-buhay.

Bampira ang lider namin dito. Ewan kung paano at kailan siya naging hayok sa dugo. O kung dati na siyang ganuon, hindi lang namin agad nahalata.
Basta isang araw, napansin na lang naming ang mga miting na pinupuntahan niya, puro gabi na lang. And after a while, lahat ng alipores niya, gabi na lang din sumusulpot. Noon kumalat ang tsismis na bampira ang mayor namin. Walang maniwala, nuong una. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng lider na bampira?
Kaso, nahuli sa tape. Nanghihingi ng dugo sa blood bank. Isang milyong litro ng dugo, para daw siguradong kahit maging bampira ang lahat ng tao sa Sta. Filomena, hindi siya mauubusan. Kung pwede raw kunin sa oposisyon, mas matamis daw ang dugo ng taong ayaw sa kanya.
Hindi lang taga-blood bank ang nai-tape na kausap niya: pati na rin ang pulis, ang military, at ang health official ng bayan. Hindi raw kasi kaya ng taga-blood bank na mag-produce magisa ng isang milyong litro ng dugo. Kailangan niya ng tulong ng mga opisyal ng bayan.
Naku, ang laking gulo noon! Nagtawag ng imbestigasyon ang council. Siyempre, mayor siya, di raw siya a-attend, dahil equal ang executive at legislative. Ang tsismis, kasi hindi na raw niya kayang lumabas sa araw. At dahil demokrasya kami, kahit bampira pwedeng mag-mayor.
May ibang mangilan-ngilang ayaw maniwala sa sabi-sabi, o sa tape. Ang mga malalakas ang loob, nangahas mag-attend ng meeting sa gabi. Sa gabi na lang din sila nakikita ngayon. Sila na ang bagong oposisyon. Kasi ang mga dating oposisyon, kung hindi sumama sa mga rebelde, o sa administrasyon, nangawala isa-isa. Siguro kasama na sila ngayon sa isang milyong litro ng dugong nakaimbak para kay M’am.
Kaya lang, dati, ang ipinakikipaglaban ng oposisyon, ang tao. Ngayon, ang pinag-aawayan ng dalawang grupo, sino ang mauuna sa tao. Sa pagsipsip sa dugo ng tao. Sabagay, sabi nga nila, tao pa rin ang isyung dinadala nila.
Dito naman sa Sta. Filomena, lahat ng isyu, may kinalaman sa tao. Lahat ng ginagawa, para sa bayan. Yun nga lang, ano’ng klaseng tao, ano’ng klaseng bayan, hindi nila nililinaw.

Sa aming mga rebelde, malinaw ang isyu: ang Sta. Filomena ay para sa tao. Ang mga lider namin ay dapat na matutong magsilbi sa tao sa araw at sa gabi, at hindi tratuhin silang parang patabaing baboy na inaalagaan lang para katayin later. Wala naman kaming problema kung gusto nilang maging bampira. Basta lang, kagaya ng sabi ng simbahan sa mga bakla, they don’t act on their desires. Pwede ka namang magnasa sa dugo at kumain na lang ng dinuguan. Pwede naman i-set aside ang mga differences and work for national unity. Basta ang mahalaga, magsilbi ka sa tao, hindi sa sarili.
Yun nga lang, pag bampira ang lider mo, ang version niya ng unity, sipsipin ang dugo mo at mag-unite kayo ng dugo sa katawan niya.
Kaya dito sa Sta. Filomena, lahat, nagtatago. Ang mga buhay, sa gabi nagtatago, nakakulong sa kwarto, naka-lock ang mga pinto, nakatakip ang mga bintana. Ang mga bampira naman, sa umaga nagtatago. Nakalibing sa kung saang sulok: dahil pag umaga, kami naman ang naghahanap sa kanila.
The hunt goes on, 24/7. Palit-palitan lang kami ng role – hunter kaming mga rebelde sa umaga, hunted naman sa gabi. At ang mga bampira, hunter sa gabi, hunted sa umaga. Ang kaibahan nga lang, dahil hawak nila ang pulis at mga sundalo, mukha namin ang nasa wanted posters na nakapaskil sa mga poste.
Para pang nananadya, yung pangit na pictures namin ang ginagamit: yung batak ang mukha at flat ang ilong, para kang insektong nabangga sa windshield ng kotse at naiwang nakadikit. Tapos, pag nahuli ka, magpapa-presscon sila, lalagyan ng X ang poster habang nakatayo ka sa likod ng poster, para bang ini-X ang buo mong pagkatao. Parang kaya nilang i-X ang buo naming pagkatao.
Kaya kami naman, nilalagyan namin ng krus ang mga poster at bahay nila. Galit na galit sila dun, kasi glow in the dark paint ang ginagamit namin, para kitang-kita lalo sa gabi. Bampira na kasi sila, e. Pag nilagyan pa namin ng pangil at sungay ang mga pictures, lalo lang magmumukhang totoo, lalo lang matatakot ang mga tao.
Hindi madaling lumaban sa gobyerno, lalo na kung bampira ang may hawak ng gobyerno. Marami sa mga taga-Sta. Filomena, umalis na lang, lumipat sa ibang bayan, o sa ibang bansa, dahil ang tingin nila, wala nang pag-asa dito sa lugar namin. Hindi madaling manindigan, kung kayang kunin ng kalaban mo hindi lang trabaho, tirahan at buhay mo, kundi pati na kaluluwa mo.
Pero, gaya ng laging sinasabi ng Nanay Cory ko, “hardship builds character, James.”
“Parang basketball lang yan,” ang lagi kong sinasabi sa mga kasama ko. “Basta nagkakaisa tayo, at malinaw sa atin ang gusto natin, kaya natin ang kalaban.”
Bawa’t isa, may kanya-kanyang role; at kung hindi mo kayang lumaban sa hardcourt, pwede ka ring mag-cheer lang from the stands. Maraming paraan ng paglaban, maraming klase kaming mga rebelde. Pero ang malinaw sa amin, kahit kailan, hindi paglaban ang pagbebenta ng kaluluwa, ang pagtataksil sa kapwa, ang pagdusta sa bayan.
Takot din kami na mahuli ng pulis, at gawing bampira. Na mawalan ng trabaho, na pagbintangang pusakal at ipahiya sa mundo, na madalas gawin ng gobyerno sa mga nahuhuling rebelde. Everyday, we fight against our fears. And everyday, we choose to fight.
Minsan, sa mga gabing madilim at hindi ko makita kahit ang mga bituin, I have no hope kundi ang sigarilyong nasa kamay ko.
But everyday, I choose to fight.
I am James, and I have Hope. Isa ako sa mga rebelde ng Sta. Filomena.

Hanggang sa susunod na kabanata 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: